Iginawad ng Japan-based Global Health Innovative Technology Fund (GHIT Fund) ang international funding na $419,285 (P19.3 million) sa isang international team of researchers na katuwang na pinamumunuan ng isang Filipino scientist para sa pagdebelop ng bakuna na bubura sa malaria sa pamamagitan ng pagharang sa parasite transmission.
Ang grupo, katuwang na pinamumunuan ni Dr. Rhoel Dinglasan, assistant professor sa molecular biology and immunology sa Center for Global Health at Malaria Research Institute ng Bloomberg School of Public Health ng John Hopkins University.
Si Dinglasan ay principal investigator din sa Dinglasan Lab.
Ang GHIT Fund ay isang international public-private partnership ng gobyerno ng Japan at ng pito pang Japanese pharmaceutical at diagnostics companies, ng Bill & Melinda Gates Foundation, Wellcome Trust at ng United Nations Development Programme. Pinopondohan nito ang scientific research and development ng anti-infectives at diagnostics ng mga sakit na pangunahing naaapektuhan ang mga umuunlad na bansa.
Kasalukuyan itong nagkakaloob ng tulong pinansiyal sa dalawang proyekto na may kaugnayan sa malaria kabilang na ang gawa ng grupo ni Dinglasan at ang rapid field test na kayang mag-diagnose ng malaria infection sa loob lamang ng ilang minute.
Ang Malaria ay naisasalin sa tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok na nahawaan ng Plasmodium parasite.
Ayon sa GHIT Fund, daan-daang libong katao ang pinapatay ng malaria bawat taon -- karamihan ay mga bata sa sub-Saharan Africa. Kahit na humina ito sa mga nakalipas na taon, ang tuwina’y nagbabagong anyo na malaria parasite ay napatunayang mahirap na kalaban, dahil sa madalas itong magbago para malabanan ang pinakeepektibong mga droga at pamatay-peste sa mundo. (ROY MABASA)