HOLLYWOOD – Tinangkang saktan ng isang lalaking Amerikano ang Pinoy boxing superstar na si Manny Pacquiao nitong Lunes (Martes sa Maynila) sa parking area ng isang Japanese restaurant dito.

Kung hindi dahil sa maagap na aksiyon ni Edward Lura, kaibigan ni Pacquiao na nakabase rito, maaaring nasuntok ng Amerikanong suspek ang eight-division world champion bago pa man ito naawat ng bodyguard ng kampeon.

“He was shouting, ‘F@#* you, F@#* you. You homophobic,” pahayag ni David Sisson, personal assistant ni Pacquaio, na sinabi ng suspek sa panayam ng local media na kasama sa Team Pacman.

Tumanggi si Pacquiao na ipa-blotter sa pulisya ang suspek na kaagad namang pinakawalan ng security personnel, batay na rin sa intruksiyon ng Sarangani Congressman.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Manny told them not to hurt the guy, and said, ‘Let him go, let him go,’” balik-gunita ni Sisson sa insidente. “I really thought he would hit Manny. He almost got to him.”

Sa kabila nito, nagawa pa umanong magbiro ni Pacquaio at sinabing tagahanga niya ang Amerikano

“Didn’t you hear him shouting, ‘F@# yow, F@# yow.’ Slang nga lang kaya iba intindi n’yo,” pabirong pahayag umano ni Pacquiao.

Ayon sa grupo, ang insidente ay may kaugnayan sa negatibong aksiyon ng LGBT community sa naging pahayag ni Pacquiao hinggil sa kanyang posisyon sa same-sex marriage.