Handa ang Malacañang na ayudahan ang mga mangingisdang Pinoy na idinetine ng Eritrean authorities matapos mapadpad sa tubig ng Eritrea mula sa Saudi Arabia.

Sa panayam sa dzRB Radyo ng Bayan, sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. na beneberipika pa ng Department of Foreign Affairs ang insidente at wala pang natatanggap na opisyal na impormasyon.

Ayon sa mga ulat, siyam na Pilipino ang inaresto ng Eritrean coast guard matapos mangisda sa territorial waters nito.

Kinumpirma ng vice consul ng bansa sa Jeddah na tumawid ang siyam na mangingisda sa hangganan ng North African state. (PNA)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'