KRIS, JOSH AT BIMBY copy

IKINATUWA ng Instagram (IG) followers ni Kris Aquino ang latest post niyang, “We have 1 week left before heading home, my sisters told me that these are priceless moments given to me as a mom, and when Bimb’s a teenager with his own life & activities, I’ll look back at this time with so much gratitude for all the memories we’re making...

#HappyPlace #Love.”

Ang ibig sabihin, babalik na ng Pilipinas sina Kris, Bimby at Josh at kahit wala pang show sa ABS-CBN si Kris dahil hindi pa nga siya nagre-renew ng kontrata, panatag ang loob ng fans ng TV host/actress na nasa Pilipinas na uli ang Queen of All Media.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Samantala, muling umingay ang IG ni Kris dahil sa video post niyang pag--eendorso kay Cong. Leni Robredo na tumatakbong vice president kay Mar Roxas. As of yesterday, umabot na sa 109, 072 ang likes ng video post ni Kris na ang caption ay, “I volunteered for @lenirobredo because I see my mom in her. #LabanLeni.”

Sa 19-seconder na video plug, sabi ni Kris: “Kay Leni Robredo, naalala ko ang mom, dahil naglilingkod siya nang walang kapalit. Bilang abogado ng mahihirap, marami ang pamilyang kanyang iniangat. Kaya ang boto ko, Leni Robredo.”

Last Sunday night unang inilabas sa primetime ng ABS-CBN at GMA-7 ang TV ad/endorsement ni Kris kay Leni.

Ayon sa aming very reliable source, sinagot ni Kris in a form of donation ang bayad o placement ng naturang ad.

May mga nagtatanong kay Kris kung bakit wala siyang ini-endorse na president pero hindi niya ito sinagot. Hindi rin niya sinagot ang tanong kung bakit hindi nila ini-endorse ng kanyang mga kapatid si Mar Roxas.

Ngayon pa lang, hinihintay na ang pagbabalik ni Kris at kung magpapa-interview, at kung sasabihin ba niya ang mga plano niya sa kanyang career. Pati na siyempre kung sino ang susuportahan niyang presidential candidate.

(NITZ MIRALLES)