SAYANG at hindi nakunan ng kasama namin si Chynna Ortaleza habang nagmamadali sa paglalakad galing sa advance screening ng Echorsis: Sabunutan Between Good and Evil sa SM Edsa Cinema 11 noong Linggo ng gabi.

“Naka-black dress siya ‘tapos parang may nakapatong na jacket, malaki na ‘yung tummy niya kaya hindi maitatagong buntis siya,” kuwento ng kasama naming.

Sa presscon pa ng Love Is Blind, ayaw pag-usapan ni Kean Cipriano ang tungkol sa pagbubuntis ni Chynna na ayon sa kanya personal itong bagay para sa kanilang dalawa.

Ilang beses ding natanong ang singer/actor sa ibang showbiz events tulad sa presscon ng Dolce Amore pero nanatiling tikom ang bibig ng hubby ni Chynna.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Pero, finally, inamin na rin ni Kean na buntis nga ang asawa niya nang makorner siya ng media sa screening ng Echorsis.

“It’s a dream come true. It’s the best thing that ever happened to me,” sambit ni Kian.

Inamin din ng gumaganap na gay priest sa Echorsis na sadyang ayaw niyang pag-usapan ang pagbubuntis ni Chynna.

“Me and my wife, we talked about it. We just to keep details to ourselves. I can’t really give out details. I respect the family’s decision, you know. It’s sacred that way,” paliwanag ng rocker/actor.

Samantala, co-producer pala si Kean sa Echorsis. In-invest niya ang kanyang talent fee sa pelikula, say mismo ng producer na si Chris Cahilig.

“Ilang months na rin nu’ng nagawa ‘yung pelikula,” kuwento ni Kean. “Hindi siya ‘yung type na gawa ‘tapos release.

Medyo ginawa, nilagyan ng oras para gawin ang post-production. It talks about equality and love and self-respect.”

Mapapanood na ang Echorsis: Sabunutan Between Good and Evil sa Abril 13 nationwide at distributed ng Quantum Films.

Napanood na namin ang Echorsis na nakakatawa at talagang entertaining ang istorya. Pero baka maging kontrobersiyal at magkaproblema ang producers sa pelikula kapag ipinalabas na ito. Takaw-controversy kasi ang karakter ni Kean bilang pari na isa palang klosetang bading, na nang nalaman ay pinalayas siya sa simbahang pinaglilingkuran niya.

Hindi kaya mag-react sa storyline na ito ang mga pari sa buong Pilipinas?

PG13 ang rating ng Movie and Television Review and Classification Board sa Echorsis. (Reggee Bonoan)