KALIBO, Aklan - Nagpahayag ng pagkabahala ang opisyal ng Dangerous Drugs Board (DDB) dahil sa pagiging talamak umano ng problema sa ilegal na droga sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at sa Davao Region (Region 11).

Ayon kay DDB Chairman Secretary Felipe Rojas, Jr., mababa ang antas ng kampanya ng mga taga-Mindanao kontra ilegal na droga dahilan para maging problema ito.

Dumating si Rojas sa Aklan para pasinayaan ang limang-araw na training ng DDB, kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), para sa mga tauhan ng Aklan Police Provincial Office at PDEA.

Layunin ng training na mapaigting ang kampanya laban sa ilegal na droga at gawing drug-free ang Aklan, partikular ang Boracay Island sa Malay.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon kay Rojas, talamak ang ilegal na droga sa maraming barangay sa Mindanao. (Jun N. Aguirre)