Nagsimula na kahapon ang major exercises ng mga tropa ng Pilipinas at Unites States na sinabayan ng babala ng state media ng China laban sa pakikialam ng “outsiders” sa tensiyonadong iringan sa South China Sea.

Nagbabala ang official Xinhua news agency sa paglulunsad ng 11-araw na Balikatan exercises na nagkaroon ng simpleng opening ceremony sa Manila. May 5,000 sundalong Amerikano ang nakikibahagi kasama ang halos 4,000 sundalong Pinoy at 80 mula sa Australia.

“The... exercises caps Manila’s recent attempts to involve outsiders in (a) regional row,” saad sa komentaryo ng Xinhua.

Ang tinutukoy nito ay ang Japan, na ang submarine ay bumisita sa Pilipinas nitong weekend, at Australia.

Metro

Lalaki, pinagsasaksak sa dibdib dahil umano sa paggamit ng basketball court

“However, a provocation so fear-mongering and untimely as such is likely to boomerang on the initiators,” dagdag ng Xinhua.

“A big country with vital interests in Asia, the United States should first clarify the targets of its Pivot to Asia strategy, which so far has featured no more than unscrupulous inconsistency between fear-mongering deeds and peace-loving words.”

Inaangkin ng China ang halos kabuuan ng South China Sea, sa kabila ng mga partial counter-claim ng Brunei, Malaysia, Taiwan, Vietnam at Pilipinas. (AFP)