Jimmy Alapag and LA Revilla

Matikas na nakihamok ang Meralco Bolts sa krusyal na sandali para masawata ang ratsada ng Mahindra Enforcers at maitarak ang 94-84 panalo kahapon sa PBA Commissioner’s Cup elimination sa Araneta Coliseum.

Naisalpak ni Baser Amer ang tatlong 3-pointer sa loob ng huling limang minuto, bago uminit ang opensa nina Fil-Am Cliff Hodge at Jimmy Alapag para mailayo ang bentahe at kunin ang ikapitong panalo sa siyam na laro para manatili sa ibabaw ng team standings.

Nakuha ng Mahindra ang abente sa 84-78 mula sa magkasunod na 3-pointer ni Karl Dehesa, may 4:23 ang nalalabi sa laro.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Naidikit ng Bolts ang iskor sa 84-86 sa magkasunod na long distance shot ni Amer, bago tuluyang maagaw ang bentahe sa 87-83 nang pumukol ng isa pang three-pointer ang dating San Beda superstar, may 2:16 sa laro.

Matinding depensa ang inilatag ng Meralco dahilan para sa turnover at pagsablay ng Enforcers, bago nakumpleto ni Hodge ang three-point play mula sa foul ni Aldrich Ramos para sa 92-86 bentahe, may 48 segundo sa laro.

“We play good defense down the stretch and we hit those crucial shots that mattered most,” sambit ni Alapag.

Bunsod ng panalo, tumatag ang kampanya ng Bolts para sa twice-to-beat advantage sa playoff, habang nalagay sa alanganin ang Mahindra na bumgasak sa 4-5 marka.