Minalas na nasawi ang isang driver ng mixer truck makaraang sumalpok sa mataas na tambak ng buhangin ang kanyang minamaneho, sa bisinidad ng construction site sa Quezon City, iniulat kahapon ng pulisya.

Ayon sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), nakilala ang nasawi na si Elieser Sanchez y Cabatuan, 30, ng Unit 13 Bldg., Disiplina Village, Barangay Ugong, Valenzuela City.

Namatay si Sanchez matapos ma-suffocate nang matabunan ng buhangin sa loob ng halos isang minuto.

Base sa imbestigasyon ni PO2 Louie Serbito, nangyari ang insidente dakong 7:44 ng umaga sa construction site sa E. Rodriguez Boulevard sa Bgy. Damayan, Quezon City.

Eleksyon

VP Sara, na-shookt sa 'Sara-Imee' tandem sa 2028

Sa pahayag sa pulisya ng nakasaksi sa aksidente na si John Denice Constantino, site coordinator ng Asmara, nakita niyang gumewang ang mixer truck hanggang dire-diretsong bumangga sa mataas na bunton ng buhangin. (Jun Fabon)