Judy Ann copy copy

HINDI diretsahang sinagot ni Judy Ann Santos ang post ni Claudine Barretto tungkol sa adopted daughters nilang dalawa. 

May netizens kasing walang magawa at pinagkukumpara sina Sabina (adpted nina Claudine at Raymart Santiago) at Yohan (adopted nina Judy Ann at Ryan Agoncillo).

Nag-post tuloy si Claudine sa Instagram (IG) tungkol sa isyu at sabi nito: “To those who keep comparing my daughter Sabina & Juday’s daughter Yohan please stop nyo po yung kababawan nyo. FYI PO Judy Ann & I have always been friends!

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

& FYI AKO PO ANG TUMULONG AT NAG AYOS NG PAPERS NI YOHAn!!! Hindi po ito competition mga nanay lang po kami nagkakaisa at nagtutulungan. uulitin ko po.ako po ang nag AYOS NG PAPERS NI YOHAN. Yan po ang bond na sine share namin na hindi nyo po alam. my respect for Juday as a mother & her respect for me as a mother will forever be appreciated. eto po ang totoo na d namin kinailangan ipagmalaki na sa makikitid ang utak sana maintindihan po ninyo.

Godbless u all.”

Pero may mga nag-react pa rin sa post ni Claudine. Sila ang nagsasabing hindi na dapat sinabi yun ni Claudine. May nag-react din na hindi lang si Claudine ang tumulong kina Judy Ann at Ryan, mas malaki raw ang naitulong nina Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta.

Heto naman ang pahayag ni Judy Ann sa isyu:

“As mothers we will always do everything to protect our children; please, let us stop the hate, the bashing and please spare our children.

“Mas maraming importanteng bagay na dapat pagtuunan ng pansin kesa makapanakit ng damdamin ng kapwa, lalo pa at mga batang wala namang kamalay-malay ang pinag-uusapan. Tama na po.

“I treasure the friendship that I have with Claudine; we may not be close but she will always have my respect for helping not just me, but a lot of mothers want what is best for their child.”

Anyway, sa ngayon si Claudine ang may soap sa TV5 na Bakit Manipis ang Ulap. Si Judy Ann ay inaalagaan pa ang second baby nila ni Ryan na si Luna. (NITZ MIRALLES)