SUMMER’S Biggest Romantic Movie ang tawag ng Star Cinema sa newest offering nilang The 3 of Us, ang unang pagtatambal nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.
Marami ang nag-akala noon na imposible ang team-up ng dalawang box office stars mula sa magkabilang networks, pero heto at ipapalabas na ang pelikula nila sa April 27.
Bukod sa box office director, binuo at sinulat ang script ng The 3 of Us nina Kiko Abrillo, Gillian Ebreo, Katherine Labayen, atVanessa R. Valdez, ang ilan sa pinakamatitinik sa think-tank ng Star Cinema.
Ayon sa press dispatch ng Star Cinema, kakaibang love story ang Just The 3 of Us tungkol sa polar opposites na sina Uno (JLC) at CJ (Jennylyn) – hindi magkakilala, at binago ang buhay na nagsimula lamang sa isang gabi. Hindi inaasahan na tumira sila sa ilalim ng iisang bubong habang tumutupad sa kani-kanilang responsibilidad at naghahanap ng seguridad. Motivated si Uno ng kanyang pagmamahal sa pamilya samantalang nabubuhay naman si CJ sa isang unconditional love. Pero may isang bagay na humila sa kanila sa isa’t isa hanggang sa matuklasan nila ang isang uri ng pagmamahal na hindi nila inakalang kailangan pala nila.
Na-master na nga yata ng Star Cinema ang formula ng romantic comedy movies na papalo sa takilya. Perfect ang track record ng romantic comedy movies ni John Lloyd kaya tinatawag siyang Rom-Com King pero hindi natatakot na mag-eksperimento. Last year, winasak nila ni Bea Alonzo ang box-office records nang gawin nila ang A Second Chance at ginawa rin ang parehong critically acclaimed na Honor Thy Father at Hele Sa Hiwagang Hagpis.
Naging lovable naman sa moviegoers si Jennylyn simula nang gawin ang surprise indie hit na English Only Please na nagbigay sa kanya ng best actress trophy sa MMFF noong 2014, at inulit ito nang gawin naman niya ang Walang Forever last year.
‘Tapos ang ibinigay na direktor sa kanila, si Cathy Garcia-Molina na siya ring nasa likod ng A Second Chance at iba pang blockbuster hits bukod pa sa top-raters na Forevermore at Dolce Amore.
Makakasama nina John Lloyd at Jennylyn sa Just The 3 Of Us sina Joel Torre, Maria Isabel Lopez, Ketcomon, Manuel Chua, PJ Endrinal, Michael Agassi, Josef Elizalde, Jed Montero, Ketchup Eusebio, Joem Bascon, Yana Asistio, Victor Silayan, Fifth Sol Lucas Magallang, at newcomers na sina Paulo Angeles at Chuchay Jung. (DINDO M. BALARES)