Ni REMY UMEREZ

PINASOK na ni JC de Vera ang pagnenegosyo via a burger house na kahit noong bata pa siya ay paborito na niyang kainin.

“May nagmungkahi sa akiin na magtayo ng restaurant na sa tingin ko hindi ko pa kaya dahil malaki ang kapital na kailangan. Napupuna ko rin na marami akong nakikitang restaurant na after a while ay pawang nagsasara. 

“A burger eatery is less complicated at easy to operate. Okey so far ang takbo ng negosyo at katunayan ay nakapagpundar na ako ng pangalawang branch,” pahayag ng aktor.

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay

Samantala, natuwa si JC na marami ang tumangkilik sa katatapos na seryeng You’re My Home na bumuo sa bagong love team nila ni Jessy Mendiola.

Inamin ng aktor na masarap katrabaho si Jessy, kaya naging close sila sa isa’t isa. 

May pelikulang inihahanda ang Star Cinema na pagtatambalan nilang dalawa.