Ni BETH CAMIA

Isa sa tatlong magsasakang raliyista na nasawi sa marahas na dispersal operation ng pulisya sa kanilang hanay sa Kidapawan City, North Cotabato nitong Biyernes, ang nagpositibo sa powder burns, batay sa resulta ng pagsisiyasat ng Philippine National Police-Scene of the Crime Operations (PNP-SOCO).

Ayon kay Chief Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng PNP, tatlong raliyista ang nasawi at sampung iba pa ang nasugatan, ngunit malaki ang posibilidad na mas marami ang nasugatan at hindi lamang ini-report ito.

“One of the dead rallyist yielded positive results during the paraffin test,” sabi ni Mayor. “The SOCO team also recovered two empty shells of calibre .45 at the area previously occupied by the rallyists and a deformed slug of calibre .38 at a makeshift station previously occupied by our police.”

Internasyonal

Dating posisyon ni Pope Leo XIV, ipinasa kay Cardinal Tagle

Nilinaw din ni Mayor na .9mm ang standard-issue sa mga pulis.

Palaisipan ngayon kung bakit may bitbit na baril ang isang umano’y ordinaryong magsasaka.

Sa panig naman ng PNP, sinabi ni Mayor na 99 na pulis ang nasugatan sa pambabato ng mga raliyista, na hinihinalang hindi mga tunay na magsasaka kundi mga militante.

Nahuli rin umano ang isang kumander ng New People’s Army (NPA) na nakahalo sa mga magsasaka.

Ikinagalit naman ni North Cotabato Gov. Emmylou Mendoza ang insidente, partikular ang pagsasamantala sa mga kawawang magsasaka upang magamit sa plano ng mga makakaliwang grupo.