DAMASCUS, Syria (AP) – Isang linggo matapos mabawi ang makasaysayang bayan ng Palmyra, nabawi ng mga tropang Syrian at kanilang mga kaalyado nitong Linggo ang isa pang bayan na kontrolado ng grupong Islamic State sa central Syria, iniulat ng state media.
Ang pagsulong sa bayan ng Qaryatain ay nangyari sa suporta ng Russian airstrikes at naging isa pang dagok sa IS extremists sa Syria. Sinabi ng isang aktibistang grupo na nagmo-monitor sa Syrian civil war na kontrolado na ng mga puwersa ng gobyerno ang karamihan ng mga bayan matapos umurong ang mga mandirigma ng IS patungong silangan.
Dumanas ang IS ng malaking pagkatalo sa Syria nitong mga nakalipas na buwan sa gitna ng puspusang airstrike ng mga eroplanong pandigma ng Russia.