Isang pinaghihinalaang holdaper ang napatay nang tangkain umanong manlaban sa mga pulis-Maynila na umaaresto sa kanya matapos mambiktima ng isang babae sa Sta. Cruz, nitong Sabado ng hapon.

Tinangka pang isalba ng mga doktor ng Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) si Roger Laya, 32, miyembro ng Bahala na Gang, ng Prudencia Street, Tondo, subalit namatay ito.

Nabaril si Laya ni PO2 Randy Calvario, nakatalaga sa Tayuman Police Community Precinct, habang inaaresto dakong 3:00 ng hapon nitong Sabado sa panulukan ng Prudencia at Endaya Streets sa Tondo.

Nauna rito, hinoldap umano ni Laya si Ashley Jhoy Besama, 26, sa kanto ng Juan Luna at Tayuman Streets at tinangay ang dalawang cell phone ng biktima bago tumakas.

National

143 Pinoy, pinagkalooban ng pardon ng UAE – PBBM

Natiyempuhan naman si Laya ng nagpapatrulyang sina Calvario, Chief Insp. William Sagmayao, at PO1 Ronald Gamayon, at hinabol pero nagpaputok ng baril ang suspek. - Mary Ann Santiago