Maricel at Gidget

PAGKATAPOS ng week-long semi-finals round sa limang naglalaban-laban sa dalawang slots for “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime, grand finals nitong nakaraang Sabado, April 2, nakapasok bilang grand finalists ang Mama Sessionista ng Pagadian na si Maricel Callo at ang Sweet Songstress ng Laguna na si Mary Gidget dela Llana.

Sila ang nakakuha ng pinakamataas na pinaghalong hurado scores at madlang people text votes – 93.45% kay Maricel at 86.53% kay Gidget. 

Ginanap ang week-long semi-finals simula noong nakaraang Lunes hanggang Sabado (Marso 28-Abril 2) sa It’s Showtime.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Natalo nila ang kalabang contenders na sina Dominador Alviola, Jr. na nakakuha ng 85.63%, pati na sina Rachel Gabreza at Jaime Navarro na kinapos ang scores na 78.53% at 64.41%.

Nagwagi sina Maricel at Gidget ng P150,000, samantalang nag-uwi naman ang tatlo ng consolation prize na P25,000. Bukod ito sa cash prize na nakuha nila sa kanilang pagiging defending champions bago ang semi-finals.

Huwag palampasin ang galing ng pinoy sa kantahan sa pagbabalik ng singing competition na minahal ng masa, ang “Tawag ng Tanghalan,” sa It’s Showtime tuwing tanghali.— Ador Saluta