HALOS limang buwan simula nang mapanalunan ni Edward Benosa ang Best New Male Artist sa 2015 Star Awards for Music, matutupad na rin ang pangarap niya na pumagitna sa stage sa kanyang sariling concert.

Sa April 16 ang pinaghahandaang ultimate concert ni Edward titled Most Requested, na gaganapin sa Teatrino Greenhills. Nasa playlist ng singer ang mga kantang madalas na i-request sa kanya noong nagsisimula pa lamang siya sa kanyang singing career.

Dahil first time, kabado si Edward sa nalalapit na solo concert niya.

“Grabe po ang pressure, nakakakaba kasi po una isang taon na ako sa showbiz ‘tapos birthday ko pa. Kapag naitawid ko ito, ibang confidence na ang makukuha at mararamjdaman ko,” sabi niya sa isang panayam.

Ang aktor na si Arnold Reyes ang nagma-manage sa career ni Edward. Plano rin nilang subukan ng singer ang teatro o musical plays.

Relasyon at Hiwalayan

Derek yarn? Jellie Aw, nag-iiba ang paningin kapag binibigyan ng pera ni Jam Ignacio

Ang Most Requested concert ay ididirehe ni Frank Lloyd Mamaril at si Marvin Querido ang musical director. Makakasama ni Edward sa concert sina Morisette Amon at DJ Chacha. - Ador Saluta