Ni JIMI ESCALA

Daniel MatsunagaUNA nang ibinalita sa amin ng isa sa mga kaibigan naming taga-Star Magic na nasa pangangalaga na nila si Daniel Matsunaga. Tuwang-tuwa siyempre si Daniel dahil magkasama na sila ng kanyang kasintahang si Erich Gonzales na eversince ay Star Magic na ang may hawak ng career.

Pero ayon kay Daniel, bukod siyempre sa magkasama na sila ng mahal niya ay gusto niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang acting career. Pagiging artista ang mas bibigyan niya ngayon ng prayoridad. 

“Well, I’m really focusing my career now in acting and showbiz. So, I guess the best way I could go is really for me to be in Star Magic. And they could co-manage also with Jonas of Mercator,” sey ni Daniel. 

Tsika at Intriga

Contestant na niligwak dahil pinaratangang luto ang TNT, nagsalita na

Sabi pa ni Daniel, unti unti na raw namang natutupad ang pangarap niyang makilala bilang actor. 

“I’m looking forward for this beause I know I can improve myself 100 times more and I really try my best. And I guess, that;s the first step and ‘yun it’s a blessing for me,” sey pa ng bagong alaga ng Star Magic. 

Alam ni Daniel na nasa mabuting kamay na siya nina Mr. M (Johnny Manahan) at Ms. Mariole Alberto, at siyempre ng love niyang si Erich Gonzales. 

“It’s a great opportunity and I can say I’ll do my best to be good. And with the help of Star Magic, everything will go better and better and I guess, I’ll be a better actor,” banggit pa rin ng Brazilian-Japanese model/actor.