Kalaboso ang isang call center agent sa Pasay City matapos niyang bigwasan at insultuhin ang kanyang kasamahan sa opisina na tinawag niyang “bakla.”

Kinilala ng Pasay City Police Station ang suspek na si Reginald Michael Pebte, call center agent ng Xerox Business Services, na nasa One E-Com Building, SM Mall of Asia, Pasay City.

Lumitaw sa imbestigasyon na binigwasan umano ni Pebte ang kaopisinang si Charles Kenneth Marshall, 41, ng Barangay Tambo, Parañaque, sa lobby ng One E-Com.

Sinabi ng mga testigo na narinig nila nang bulyawan ni Pebte si Marshal: “Bakla kang kriminal ka, hayop ka!” - Martin A. Sadongdong

Probinsya

10 kaso ng MPOX, naitala sa South Cotabato