BRUSSELS (AP) - Muling binuksan kahapon ang ilang bahagi ng Brussels Airport para sa mga biyahero matapos ang 12 araw na pagkakaantala ng mga biyahe kasunod ng pambobomba roon kamakailan, ayon sa chief executive ng paliparan nitong Sabado.
Ayon kay Arnaud Feist, CEO ng Brussels Airport Co., ang Brussels Airlines flights patungong Athens, Turin sa Italy, at Faro sa Portugal, ang una sa mga biyahe, sa ganap na 2:00 ng hapon (1200 GMT) kahapon.
Epektibo simula Lunes, ang pinakamalaking paliparan sa Belgium ay muling magbubukas ng hanggang 20 porsiyentong kapasidad at kaya lamang mag-asikaso ng 800 pasahero kada oras.