Inaresto ng pulisya ang field commander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) na akusado sa double murder, sa isang operasyon sa Cotabato City.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Victor Deona, nadakip si Zainudin Kawilan sa pinag-isang operasyon ng pulisya at military matapos i-tip sa awtoridad ang kinaroroonan nito.

“Siya ay field commander ng Special Operations Group ng BIFF,” sabi ni Deona, idinagdag na kabilang sa mga trabaho ni Kawilan ang pambobomba at pananambang sa mga pulis at sundalo.

Sinabi ni Deona na bagamat nasa mga liblib na lugar sa Central Mindanao kumikilos ang BIFF, madalas umano sa Cotabato City si Kawilan dahil sangkot din ito sa gun-for-hire activities. (AARON B. RECUENCO)

Probinsya

'Layas!' Mayor Kerwin Espinosa, pinapaalis mga adik sa Albuera