Ni WALDEN SADIRI M. BELEN

MALIWANAG ang kinabukasan ng Pinoy artists sa pagbubukas ng Sanrestreaming.com ni Arnel Pineda, Pinoy lead singer ng global rock band na Journey, Sanre Entertainment Worldwide at ng Imagen Records.

Sa unang pagkakataon, sa ika-5 ng Abril, 2016, mapapanood sa pamamagitan ng live streaming, isang live broadcast mula sa Internet, ang concert ni Arnel na pinamagatang A Voyage To Rockville. Mula sa live performance niya sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila, puwede siyang mapanood worldwide sa pamamagitan ng sanrestreaming.com. At maaari ring mapanood kahit tapos na ang live concert niya sa nasabing website. May kaukulang bayad nga lang. Sa halagang $14.95 at Sanrestreaming.com, puwede mong mapanood ang A Voyage To Rockville mula sa bahay kasama ang buong barkada at kaibigan lalo na kapag may 4K resolution kang 65 inches Samrt TV at naka-PLTD Fibr! Kung busy ka naman, sa halagang $9.95 puwede mong mapanood ang delayed telecast hanggang isang linggo mula sa kabayaran mo. At ang VIP access na nagkakahalaga ng $24.95 ay may kasamang autographed CD at walong linggong access sa delayed telecast ng concert. 

Ang broadcast period ay magsisimula sa April 9-June 11, 2016.

Tsika at Intriga

Mark Anthony Fernandez isa lang lente ng salamin sa mata, anyare?

Ayon kay Arnel, tatlong taon nang niluluto ang konsepto ng live streaming para sa Pinoy bands o performers sa kanyang bar sa Timog, Quezon City.

“The oncept there is to help local bands to be live streamed via the internet. And PLDT will help us facilitate it,” paliwanag niya kamakailan sa Resorts World. 

Nagkataon lang daw na nagkulang sila sa logistics para agarang maitawid ang kanilang plano.

“It did not fly at enough heights to really expose our local bands,” dagdag niya. 

Sa pamamagitan ng Voyage To Rockville, layunin nilang paigtingin ang live streaming para sa local artists.

“With the Sanre Streaming concept, we hope to give everyone, everywhere and beyond a front row seat to Rockville,” paliwanag ni Rene Walter ng Sanre Entertainment, ang may hawak din sa karera ni Arnel Pineda bilang rock artist. “Music is a part of everyone’s life, essence and spirit, you’ll want to visit Rockville with us.”  

Ayon sa kanila, isang pag-imbita sa mga mannonood sa “magical place” na tinawag nilang Rockville ang konsiyertong Voyage to Rockville. Para ito sa mga taong nasa kaibuturan ng kanilang puso at isipan ang musika.

Kasama ni Arnel  Pineda sa Voyage To Rockville ang 2016 Grammy nominee for best live performance na si Morgan Rose ng bandang Sevendust. Kasama rin ang bagong pop rock sensation  mula sa America, ang Namesake. Nailabas na sa Asia at napapakinggan na ang  kanta nilang Borders and Fences kasama ang controversial  music video nito. 

Plano ng sanrestreaming.com na makapagpalabas ng hanggang 30 concert spectacles sa buong mundo sa isang taon. 

Tungkol naman sa “The World Music Camp” na dating tinawag na “Asian Music Camp,” tuloy pa rin ang hangarin ni Arnel na makatulong sa mga musikero, mga banda, hindi lang sa Asia kundi sa buong mundo na, para maipamalas ang kanilang talent sa musika. 

“Like what I said two years ago, we are going to try to help these bands around the world now to be able to be more competitive, songwriting wise and their performance on satge. And they will be put in place where they will be able to develop and show to the world how good they are. It’s a full package,” paalala ni Arnel.

Ipapamalas din ni Arnel ang original songs niya na matagal na niyang pinapangarap. Meron pa ring cover songs at production numbers kasama ang kayang guest performers sa A Voyage to Rockville.