PALAYAN CITY, Nueva Ecija - Puspusan ang farmer’s education ng mga agriculture officer ng Nueva Ecija upang hindi lumala ang pananalasa ng mga Army worm sa mga sibuyasan at palayan sa lalawigan.
Nabatid ng Balita mula kay Serafin Santos, ng Provincial Agriculture Office, na umabot na sa 900 ektarya ng mga pananim ng sibuyas ang sinalanta ng army worms, o “pangunguto”.
“Halos 10 porsiyento ng 9,000 ektarya na natamnan ng sibuyas sa mga bayan ng Sto. Domingo, Bongabon, Laur, Quezon, Talavera, Cuyapo, Aliaga, at Palayan City na inihabol na itanim pagkaraan ng bagyong ‘Nona’ noong nakaraang taon [ang pineste],” ani Santos.
Pebrero ngayong taon nang magsimulang mameste ang Army worms, at gumastos pa sa pestisidyo ang mga magsasaka.
(Light A. Nolasco)