TULUY-TULOY ang paggamit at pang-aabuso ni Jairo (Zaijian Jaranilla) sa kapangyarihan ng magical wooden character na si Raven kaya unti-unti nang napupunta sa kanya ang pagiging anyong kahoy nito sa Wansapantaym Presents: That’s My Toy, That’s My Boy.
Sa tulong ng kapangyarihan ni Raven, natatakasan ni Jairo ang mga gawaing bahay at ang iba pang ipinag-uutos sa kanya ng kanyang amang si Rene (Benjie Paras). Ngunit ang hindi nito alam, magiging isa siyang laruang kahoy kung ipagpapatuloy pa rin niya ang pang-aabuso sa kakayahan ni Raven.
Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni Jairo kung tuluyan nang magbago ang kanyang anyo? Sino ang tutulong sa kanya upang mapigilan ang sumpa?
Samantala, Wansapanataym ang pinakapinanonood na palabas noong weekend sa buong bansa. Nagtala ito noong Sabado (Mar 26) ng national TV rating na 35.6% at noong Linggo (Mar 27) ng 29.2%, kumpara sa mga katapat nitong palabas na Kerygma TV Holy Week Special at Ismol Family na nagkamit lamang ng 6.8% at 16.9%.
Kasama rin sa Wansapantaym Presents: That’s My Toy, That’s My Boy sina Gelli de Belen, Smokey Manalota, at Harvey Bautista.
Patuloy na panoorin ang mga eksenang kapupulutan ng aral sa ngayong Linggo sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Puwede ring mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.