Ginapi ng tambalan nina Gerald Jamili at Cherry Clarice Parcon ng Visayas ang karibal na sina Wilbert Aunzo at Pearl Marie Cañeda ng Team Cebu sa Latin A division ng 2016 Dancesports Council of the Philippines Inc. (DSCPI) 1st quarter ranking competition kamakailan, sa Philsports Arena sa Pasig City.

Namayani naman sina German Enriquez at Ma. Danella Renee Publico ng Manila sa Standard A category kontra sa tambalan nina Tristan John at Willanne Rose Ducay sa kompetisyon na pinangasiwaan ni DSCPI president Becky Garcia, sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Calata Corporation, Flawless, Manila Pianos, Inc, Muebles Italiano, Vitug Beach Resort, Retro DCG-FM 105.9 at The Greenery Bulacan.

Nakatakda ang susunod na ranking competition sa Hulyo sa Philsports Multi-Purpose Arena (Ultra). Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan sa DSCPI Secretariat sa 637-2314.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya