CEBU CITY – Hinamon ng isang German traffic planning official ang mga opisyal ng siyudad na ito at ng lalawigan na pag-aralan ang mas epektibong pampublikong transportasyon at ipatigil na ang pamamasada ng mga public utility jeepney (PUJ).

Iminungkahi ni Torben Heinmann, ng Germany Office for Traffic Planning and Road Construction, ang paggamit ng bus rapid transit (BRT) system, sinabing hindi sasapat ang mga namamasadang jeep sa Cebu sa susunod na 20 taon.

“For most of the people, the jeepney is their public transport. There are few other buses but jeepneys are more prominent but if you think about Cebu in the next 20 years, I don’t think it will be enough,” sinabi ni Heinmann sa Understanding Choices Forum Series on Mobility na may titulong “Colon Revitalization: Pedal Power in the Green Loop” sa Ramon Aboitiz Foundation Inc.-Eduardo Aboitiz Development StudiesCenter kahapon.

Sinabi ni Heinmann na panahon nang palitan ng Cebu ang antas ng pampublikong transportasyon nito, at mabuting halimbawa ang BRT.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang mass transit system sa Cebu City, na kauna-unahang operational bus rapid transit project sa Pilipinas, ay nasa huling bahagi na ng design review at sisimulan na ngayong buwan ang pagbili sa mga ito.

Patutunayan na kaya ng BRT na magkaloob sa mga tagalungsod ng mas episyente, maaasahan, mabilis, ligtas at climate-friendly na transport system, ang proyekto ay pinondohan ng mga loan mula sa World

Bank ($116 million) at Clean Technology Fund ($25 million). Gagastos din ang gobyerno ng Pilipinas ng $87.5 million sa proyekto. (Mars W. Mosqueda, Jr.)