Princess-Punzalan-2-Copy copy

PAGKATAPOS ng mahigit isang dekadang pananatili sa ibang bansa, nagbabalik si Princess Punzalan sa ABS-CBN bilang pinakabagong cast member ng top-rating drama na The Story of Us.

Gagampanan ni Princess ang karakter ng ina ni JC (Bryan Santos), si Clodette na tinatawag niyang “medyo kontrabida”.

Isa siyang matagumpay na negosyanteng kilala sa matalino at mahigpit na pagpapatakbo ng beauty empire na The Lowery Group.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sumikat nang husto noong 1997 si Princess bilang si Selina, ang iconic na kontrabida sa teleseryeng Mula sa Puso.

Aniya, tinanggap niya ang bagong proyektong inalok ng ABS-CBN sa The Story of Us dahil gusto niya ang role niya rito – isang babaeng gagawin ang lahat makuha lang ang kanyang gusto.

“Although I would say that Clodette is not black like Selina. Overprotective lang si Clodette bilang isang ina at hindi lang magkatugma ang mga gusto niya ng kanyang anak,” sabi ni Princess.

“Flattered ako na inaabangan ang pagbabalik ko at sana ma-satisfy ko ang audience sa performance ko. Lagi akong excited na magtrabaho at mag-perform sa harap ng camera. Acting ang first love ko,” kuwento niya.

Inaabangan na ng mga tagasubaybay ng The Story of Us kung ano ang magiging papel ni Clodette sa love story nina Tin at Macoy (Kim Chiu at Xian Lim).

Huwag palampasin si Princess Punzalan bilang si Clodette Lowery sa The Story of Us, gabi-gabi pagkatapos ng Dolce Amore sa ABS-CBN Primetime Bida.