Nakalikom ang Department of Trade and Industry-Center for International Trade Expositions and Missions (DTI-CITEM) ng mahigit US$109 million sa negotiated sales sa idinaos na 21st Gulfood: Gulf Food Hotel and Equipment Exhibition and Salon Culinaire sa Dubai.

Itinanghal ng CITEM, sa pamamagitan ng industry brand ng bansa na FoodPhilippines, ang premium, healthy, at Halal-certified na mga produkto mula sa 24 na kumpanya sa Pilipinas sa world’s largest annual food and hospitality trade show.

Kabilang sa best-selling products ng bansa sa trade fair ang kanin at sariwang saging. Pinagkaguluhan din ng Dubai market ang Philippine rice products, noodles, coconut products at by-products, canned fruits, dried mangoes, canned seafood, fermented marine products, confectioneries, snacks, chips, sauces at condiments.

Binanggit ni CITEM Executive Director Rosvi C. Gaetos na may malaking oportunidad para sa Philippine coffee sa Middle East market mula sa dami ng mga katanungan para sa ground at whole beans. (PNA)
Tsika at Intriga

'Unbothered?' Karen Davila, nag-flex ng larawan kasama ang pamilya Laude