oranza copy

STA. ROSA, Laguna – Nagbabadya ang matinding labanan sa pagitan ng Navy-Standard Insurance at MVP Sports Foundation sa pagsikad ng Luzon leg – huling karera ng 2016 LBC Ronda Pilipinas – ngayon sa Paseo de Sta. Rosa.

Inaasahang magtutulungan ang magkasanggang sina Visayas Leg champion Ronald Oranza at Mindanao Leg winner Jan Paul Morales ng Philippine Navy-Standard Insurance para masawata ang anumang pagtatangka ng mga karibal, kabilang ang LBC-MVPSF, na makasingit sa kanilang planong dominasyon.

Palaban ang LBC-MVPSF, sa pangunguna nina Mindanao leg runner-up George Oconer at Rustom Lim.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Nagpamalas ng matinding taktika at samahan ang Navy riders upang dominahin ang nakalipas na dalawang leg at inaasahang higit pa rito ang kanilang gagawin para makumpleto ang ‘sweep’ sa prestihiyosong torneo na inorganisa ng LBC Express at sanctioned ng Philcycling.

"Iyon talaga ang target. Pipilitin namin na subukang mawalis,” sabi ni Oranza, mula sa Villasis, Pangasinan.

Subalit, nagpahayag ang mga miyembro ng LBC-MVP Sports Foundation na hindi nila papayagan na maganap ang balak ng Navy na walisin ang karera.

"Mas magandang labanan ang mangyayari kumpara sa huli,” sabi ni MVPSF skipper George Oconer, tumapos sa ika-11 puwesto sa overall bagamat isa ito sa mga inaasahang rider na magwawagi matapos pumangalawa sa nakalipas na taon kay Santy Barnachea.

Huli namanng nagpakitang gilas para sa LBC sina Rustom Lim at Ronnilan Quita.

Tumapos si Lim na ikatlo sa overall matapos ang podium finish sa Stage One sa Bago City, Negros Occidental at magwagi sa Stage Five sa Roxas City, habang si Quita ay pumangalawa sa naging Stage Four winner na si Joel Calderon sa Roxas City.

Matapos ang Paseo Stage One criterium, magtutuloy ang karera sa Stage Two Individual Time Trial (ITT) simula sa Talisay City sa Batangas at magtatapos sa dinarayo na Tagaytay City susunod na araw.

Isasagawa sa Antipolo City ang Stage Three sa isang criterium sa Abril 6 bago kumpletuhin ang LBC Ronda para sa Stage Four road race mula Dagupan City, Pangasinan tungo sa Baguio sa Abril 8 at isa pang criterium sa City of Pines sa Abril 9.

Ang LBC Ronda na inoorganisa ng LBC Express ay sanctioned ng PhilCycling at sponsor ang Manny V. Pangilinan Sports Foundation, Petron at Versa Radio-Tech 1 Corp, Maynilad at NLEX. (ANGIE OREDO)