ROCHESTER, N.Y. (AP) — Ipinagkaloob ng Academy Award winner na si Michael Douglas ang kanyang personal collection ng mahigit tatlong dosenang film prints sa Rochester’s George Eastman Museum.

Ayon sa mga opisyal ng photography museum, kabilang sa koleksiyon ni Douglas ng 35 mm at 16 mm prints, 37 sa kabuan, ang mahigit sa 30 pelikula na kanyang pinagbidahan at iprinodyus.

Ayon sa museum director na si Bruce Barnes, inspiradong tumulong at maghandog si Douglas nang bisitahin ang Rochester noong Mayo upang tanggapin ang George Eastman Award para sa kanyang mga kontribusyon sa industriya ng pelikula.

Si Douglas ay nagwagi sa Oscars ng best picture bilang producer ng pelikulang One Flew Over the Cuckoo’s Nest noong 1975 at ng Academy Award bilang best actor sa pelikulang Wall Street noong 1987. Ang dalawang pelikulang ito ay kabilang sa kanyang mga inihandog.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang iba pa ay ang The China Syndrome, Romancing the Stone at Traffic.