ISULAN, Sultan Kudarat – Namamasada na ng tricycle o kaya naman ay pinapayagang magtrabahong kasambahay ang mga anak ng mga dating abala sa pagbubungkal ng lupa at pag-aani sa kani-kanilang tumana kapag ganitong panahon.

Nabatid mula sa isang Edgar Gamrot at sa daan-daang magsasakang gaya niya na sa kabila ng mga hakbanging ginagawa nila upang makakain nang regular ang kanilang pamilya at maipagpatuloy ang pag-aaral ng kanilang mga anak ngayong taon ay hindi pa rin makasapat ang kanilang kinikita.

Ito, anila, ay dahil sa kawalang kita na kanilang dinaranas dahil sa matagal nang tagtuyot sa mga sakahan.

Iginiit din ng mga magsasaka na hindi nila ramdam ang sinasabing ayuda ng gobyerno sa kanilang hanay, na tuluy-tuloy sa paghahanap ng ibang mapagkakakitaan, kahit na panandalian lang. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito