NGAYON ay Linggo ng Dakilang Awa ng Diyos o Divine Mercy. Ang taunang selebrasyong ito ng “Pista ng Awa” ay itinakda ni Saint John Paul II sa pagdedeklara bilang santo kay Sister Faustina noong Abril 30, 2000, sa bisa ng isang dekrito na nakasaad ang: “Throughout the world the Second Sunday of Easter will receive the name Divine Mercy Sunday, a perennial invitation to the Christian world to face, with confidence in divine benevolence, the difficulties and trials that mankind will experience in the years to come.”

Ang debosyon sa Dakilang Awa ng Diyos ay pinasimulan ng isang madreng Polish na si Faustina Kowalska, na sinasabing pinagpakitaan at ilang beses na kinausap ni Hesus. Aniya, hiniling ng Panginoon na magkaroon ng isang araw ng kapistahan para sa Dakilang Awa ng Diyos, at ang kapistahang ito ay ipagdiwang sa Linggo kasunod ng Linggo ng Pagkabuhay. Ilang pangako ng Panginoon ang kaakibat ng kahilingang ito, na buong tiyagang itinala ni Sister Faustina sa kanyang talaarawan. Kabilang sa mga ito ang: “Whoever approaches the Fountain of Life on this day will be granted complete forgiveness of sins and punishment”; “I want the image solemnly blessed on the first Sunday after Easter, and I want it to be venerated publicly so that every soul may know about it.”

Sa ating pagdiriwang ng Kapistahan ng Dakilang Awa ng Diyos, kasabay ng selebrasyon ng Jubilee of Mercy, gamitin natin ang oportunidad na ito upang maging isa kay Hesus sa Sakramento ng Pagkakasundo upang maranasan natin ang Kanyang mapagpatawad na pagmamahal. Ito ay isang sakramento ng pagpapatawad at pagmamahal ng Diyos. Sa pamamagitan ng sakramentong ito, nakatitiyak tayo na kahit gaano man tayo maging makasalanan, patuloy tayong mamahalin ng Diyos bilang Kanyang mga anak. Batid nating walang pagkakasala na hindi napapatawad ng Diyos. Ang awa ang kahinaan ng Diyos, ayon sa Simbahan.

Isagawa rin natin sa selebrasyong ito ng Dakilang Awa ng Diyos ang makiisa sa pagdiriwang ng Eukaristiya. Sa Eukaristiya, nararamdaman din natin ang mainit na yakap ng Diyos. Inialay niya ang sarili niyang katawan at dugo para sa ating kaligtasan.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ang ating wagas na debosyon sa Dakilang Awa ng Diyos ang gagabay sa atin sa dalawang sakramento ng pagmamahal ng Diyos—ang Sakramento ng Pagkakasundo at ang Sakramento ng Eukaristiya. Ilapit natin ang ating mga sarili sa Kanya sa pamamagitan ng mga sakramentong ito. Handa ang Diyos na patawarin tayo sa lahat ng panahon. Kailangan lamang nating tumugon sa imbitasyon ng Kanyang pagmamahal.