Aabot sa isang milyong estudyante ang posibleng hindi makapagpatuloy ng pag-aaral dahil sa implementasyon ng Kto12 program.

“As March ends, the dreams and future of hundreds of thousands up to a million students are being put to an end by the Aquino government. 700 thousand to 1 million Grade 10 students have nowhere to go after this school year because of the K to 12 program,” pahayag ni Charisse Bañez, chairperson ng League of Filipino Students (LFS).

Sinabi niya na kalagitnaan pa lang ng school year 2015-2016 ay marami nang estudyante ang nagbabalak huminto sa pag-aaral dahil sa laki ng gastos, bukod pa sa hindi rin malaman ng mga ito kung saan mag-e-enrol.

Aniya, mangangailangan ang estudyante ng P6,000-P15,000 para matustusan ang dagdag na taon sa pag-aaral at gastos sa modules, workbooks, ID, uniform, at iba pa.

HS Romualdez sa banta ni VP Sara: 'Hindi ito biro at hindi normal na pananalita!'

“Under K to 12, students need 100 thousand to over 200 thousand pesos in order to finish the additional two years in high school. This is an additional burden to their families especially for those who work as workers who only have a minimum wage of P481,” ani Bañez.

Kaugnay nito, inihayag naman ng Department of Labor and Employment (DoLE) na naglaan ito ng P500 milyon bilang ayuda sa mga empleyado ng unibersidad at kolehiyo na maaapektuhan sa Kto12 program.

Sinabi ng Bureau of Local Employment (BLE) na gagamitin ang pondo bilang funding support (FS) o tulong pinansiyal sa may 23,000 maaapektuhan sa pagpapatupad ng Kto12 program.

Ang FS ay ipagkakaloob kapwa sa teaching at non-teaching personnel ng higher education institution (HEI) sa bansa.

Makatatanggap ang mga HEI employee ng tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng P7,000-P23,000, mula tatlong buwan hanggang anim na buwan. (Mac Cabreros at Samuel Medenilla)