BUMALIK ng Manila ang Korean superstar na si Lee Min Ho at nakatakda niyang makasalamuha at makadaupang-palad muli ang mga Pilipinong tagahanga.

Si Lee Min Ho, 28, nakilala sa kanyang mahusay na pagganap na The Heirs at City Hunter at iba pa, ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 nitong Huwebes ng gabi.

Dumalo siya sa “Be My Yeobo: Benchsetter Fun Meet” sa Trinoma Activity Center at SM Megamall Fashion Hall; at ngayon naman ay pupunta siya sa SM Seaside Cebu at Ayala Cebu.

Ang “Yeobo” ay salitang Korean na ang ibig sabihin ay honey.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Hindi ito ang unang pagbisita ni Lee Min Ho sa Pilipinas. Matatandaang dumating din siya sa bansa noong nakaraang taon para sa pagbubukas ng isang Korean fried chicken restaurant.

Nagbida ang aktor sa pelikulang Gangnam Blues noong nakaraang taon, na kumita ng $15.53 million sa Korean box office at umabot naman sa 2.19 milyon ang admission.

Nagsimulang sumikat si Lee Min Ho noong 2009 sa hit drama na Boys Over Flowers.

Siya ang isa sa mga pinakasikat na Korean stars ngayon, may 28.69 milyong followers sa Chinese microblogging site na Weibo, at may 17 milyong tagahanga sa Facebook at 1.7 milyong followers sa Instagram. (JONATHAN M. HICAP)