MAY istoryang ibinahagi ang yumaong si Pope John Paul II. Noong nabubuhay pa, binisita niya ang isang malaking kulungan sa Rome. Habang nakikipag-usap sa ilang bilanggo, may isa sa kanila ang lumapit sa kanya at sinabing “Father, mapapatawad ba ako sa aking mga nagawang kasalanan?” Marami kasi itong kinasangkutang krimen. Masuyo siyang hinagkan ng Papa, at iyon na ang kasagutan. Ang eksenang iyon ay katulad ng isang ama na pinatawad ang kanyang nagkasalang anak sa Prodigal Son.

Ganoon din magpatawad ang Panginoong Diyos, kahit sa mga taong matindi ang pagkakasala. Ang kanyang awa at habag ay kasing-lawak ng dagat. May nagsasabing tayo ay pinatatawad sa ating mga kasalanan sa pagkukumpisal at tuluyang kinalilimutan at tinatapon sa ilalim ng dagat. Nilagyan niya ito ng babala na, “No Fishing!”

Ngayon, Ikalawang Linggo ng Easter, ay Divine Mercy Sunday.

Inihayag ni Pope John Paul II bilang santo si Sister Faustina Kowalska noong Abril 30, 2000, ganoon din si Pope John XXIII, noong Abril 14, 2014.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Makailang beses nagpakita ang Panginoong Diyos kay Faustina, at ipinarating ang kanyang simpleng mensahe: the Heart of Jesus is overflowing with divine mercy toward sinners and wants all to come to him with trust-filled love.

Ang imbitasyong ito ay tampok sa kakaibang painting ng the Risen Christ, kung saan natapos ng artist sa patnubay mismo ni Sr. Faustina.

Ang mga sinag ng ilaw na iyon ay simbolo ng dugo at tubig na tumulo mula sa puso ni Kristo sa krus at simbolo rin ng walang-kapantay na pagmamahal sa pamamagitan ng Sakramento.

Mismong si Hesus ang nag-utos kay Sr. Faustina na lagyan ng katagang “Jesus, I Trust In You” sa ilalim ng nasabing painting.

Namumuhay tayo sa mundong punung-puno ng tukso na maaaring maging dahilan para makalimutan natin ang Diyos, at masangkot sa mga karahasan, krimen, kahirapan, pang-aabuso, at maging sa pagpatay.

Humingi ng kapatawaran sa pamamagitan ng Sakramento ng Kumpisal. At, magpakita ng malasakit at awa sa kapwa at matuto ring magpatawad. (Fr. Bel San Luis, SVD)