Inaasahang boboto ang may pitong milyon sa kabuuang 10 milyong overseas Filipino worker (OFW) simula sa Abril 9, para sa overseas absentee voting.
Ayon kay Senate President Franklin Drilon, ito na ang pinakamaraming nagparehistrong OFW sa kasaysayan, pero karaniwan nang umaabot lang sa 1.4 milyon ang bumuboto.
Sinabi ni Drilon na nangangahulugan ito na interesado ang mga OFW na makilahok sa demokratikong proseso sa bansa.
“Ang balita ko, seven million ang puwedeng bumoto sa OFWs, ngunit, 1.3 million o kulang sa 1.4 million lamang ang rehistrado. So, ibig sabihin, hindi pa po marami ang bumuboto, at malaki pa ang agwat between those who are eligible to vote and ‘yung talagang boboto,” ani Drilon.
Aniya, kulang sa impormasyon kaya kaunti lang ang bumuboto, at maging ang Dual Citizenship Act ay mahina rin sa pagpapalabas ng impormasyon. (Leonel Abasola)