Napaso na kahapon, Abril 1, ang limang-araw na palugit para sa pagbabayad ng $1.08-million (nasa P50 milyon) na ransom kapalit ng pagpapalaya sa 10 tripulanteng Indonesian, maliban na lang kung palalawigin pa ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang deadline.

Ang impormasyon tungkol sa palugit ay ibinunyag sa isang artikulo sa The Jakarta Post , batay sa pahayag ng Ministry of Foreign Affairs (MOFA) ng Indonesia.

Batay sa impormasyon ng isang mataas na opisyal ng Moro National Liberation Front (MILF), kasama nina Alhabsi Misaya at Uddon Hashim, kapwa sub-leader ng Abu Sayyaf, ang 15 nilang tauhan nang bihagin ng grupo ang bangkang Indonesian na Brahma 12 sa Tawi-Tawi, at tinangay ang 10 tripulante nito noong madaling-araw ng Marso 26.

Ayon pa sa impormasyon mula sa opisyal ng MNLF, dinala ng Abu Sayyaf ang mga bihag nito sa Kalinggalang-Caluang sa Sulu.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kaugnay nito, sinabi ng MNLF leader na ang pagdukot sa mga Indonesian ay maituturing na sampal sa Indonesia, na isa sa mga nagsulong ng prosesong pangkapayapaan sa pagitan ng MNLF at ng gobyerno ng Pilipinas noong 1993, na nagresulta sa 1996 Final Peace Agreement (FPA).

“If Indonesia still means much to the MNLF, its leadership, and its various factions, the Moro Front must show its gratitude and respect by going after the Abu Sayyaf terrorists and rescue the Brahma 10 crewmen,” anang opisyal ng MNLF.

Kaugnay nito, nagpahayag naman ng kahandaan ang Indonesia na sagipin ang 10 mamamayan nito mula sa Abu Sayyaf.

Ito ang inihayag ni Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi, na regular na nakatatanggap ng update mula sa gobyerno ng Pilipinas kaugnay ng pagdukot.

Gayunman, tinanggihan ng gobyerno ang alok na ito ng Indonesia, at iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kaya nitong iligtas ang mga bihag. (EDD USMAN at FER TABOY)