Nora at Cherry Pie sa 'Whistleblower' copy

NAGKAAMINAN sina Nora Aunor at Cherry Pie Picache kung sino ang susuportahan at iboboto nila sa mga presidentiable at tumatakbong vice president nang humarap sila sa presscon ng Whistleblower.

Noon pa sinabi ni Nora na si Sen. Grace Poe ang susuportahan niya. Sa vice president, si Sen. Bongbong Marcos ang pangalang binanggit niya.

“Ako si Leni Robredo ang VP ko, ‘di ko pa alam kung sino ang presidente ko. I would like to be careful in choosing,” sabi naman ni Cherry Pie.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Sa tanong kung mababago ang pananaw ng tao (lalo na mga botante) ‘pag napanood ang Whistleblower na showing sa April 6, matapang ang sagot ni Nora.

“Mababago ang pananaw ng tao sa mga nangyayari at makikita nila kung gaano kadumi ang ating gobyerno dahil ‘di ‘yun nakikita ng ating gobyerno,” pahayag ni Nora.

“After this film, mabubuksan ang isip natin. Hindi naman gusto natin may pagbabago agad, gusto lang natin na mabuksan na ang isip ng mga tao,” paniniwala naman ni Cherry Pie.

Anyway, grateful si Cherry Pie na mapasama siya sa Whistleblower na ang role ay mastermind sa financial scam na politicians ang involved.

“Ire-relate ng maraming tao ang role kong si Lorna Valero kay Janet Napoles. Pero this is a story of three women who got into a system na ‘di na makaalis. Parang if you compromised, there’s no turning back,” patuloy ni Cherry Pie.

Tinanong din sina Nora at Cherry Pie kung magiging politicized ba sila after doing Whistleblower.

“Matagal na akong politicized. Kapag pinag-usapan ang gobyerno, itataas ko ang kamay ko para makasali ako,” sagot ni Nora.

“Even before doing this film politicized na rin ako. But I don’t need to run para maging politically involved.

Kailangan lang piliin nang mabuti ang iboboto,” sagot naman ni Cherry Pie.

Showing simula sa April 6 ang Whistleblower mula sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr. na masaya to work with Nora, Cherry Pie and Angelica Panganiban and Laurice Guillen. Produced ito ni Tony Gloria ng Unitel at Quento Media at Graded A ng Cinema Evaluation Board. (Nitz Miralles)