Nagsagawa ng kilos-protesta sa harap ng Malabon City Hall ang grupo ng Malabon Movement for Social Progress (MSP), upang kalampagin ang pamahalaang lungsod dahil sa sunud-sunod na patayan na ang mga biktima ay mga opisyal ng barangay.

Ayon sa MSP, ‘tila hindi nababahala si Mayor Lenlen Oreta at ang pulisya sa mga pananambang na nangyayari sa siyudad, na ang pinakahuling biktima ay sina Daniel Villaluna, kagawad ng Barangay Concepcion; at Bienvenido Reyes, kagawad n g Bgy. San Agustin.

Tinambangan ang dalawang kagawad sa harap ng gasolinahan, dakong 10:30 ng gabi nitong Marso 23.

Sinabi ng grupo na ang sunud-sunod na patayan ay sampal sa kakayahan ng pamahalaang lungsod at ng buong puwersa ng Malabon City Police.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Magpahanggang ngayon kasi ay wala pa ni isang suspek ang nahuhuli sa mga patayang nangyayari.

Ilan lamang sa mga tinambangan at pinagbabaril ang dating barangay chairman ng Tugatog na si Sheridan Abad, kasama ang kaibigang si Ely Garay, noong nakaraang taon.

Si Policarpio Ombas, chairman ng Bgy. Tugatog, kasama ang alalay na si Ando Tan, ay tinambangan din sa harap ng PCP 8 noong Pebrero 2015, habang himala namang nakaligtas si Torre Trinidad, ng Bgy. Acasia, nang tambangan at pagbabarilin ng mga salarin noong nakaraang buwan. (Orly L. Barcala)