SA kasaysayan ng Panitikang Pilipino, ang ika-2 ng Abril ay isa sa mahahalagang araw sapagkat ginugunita at ipinagdiriwang ang kaarawan ni Francisco Balagtasā€”ang kinikilalang prinsipe ng mga makata at sinasabing unang tunay na makata at propagandistang Pilipino. Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Balagtas, nangunguna lagi ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), tampok ang ā€œKampo Balagtasā€ na lalahukan ng mga mag-aaral sa Grade 7 hanggang Grade 10 mula sa ibaā€™t ibang rehiyon.

Sinimulan nitong Abril 1 hanggang bukas, Abril 3, sa Orion Elementary School sa Orion, Bataan. Bahagi ng timpalak ang pagsusulat ng tula at maikling kuwento at ang Gawad Dangal ni Balagtas sa mga indibiduwal na may naiambag sa panitikan sa bayang sinilangan ni Balagtas sa Bigaa (Balagtas na ngayon), Bulacan.

Isinilang si Balagtas sa Panginay, Bigaa (Balagtas) Bulacan noong Abril 2, 1788. Bunso siya sa apat na anak nina Juan Balagtas at Juana de la Cruz.

Ang pagiging henyo ni Balagtas sa tula ay talinong kaloob ng Diyos at hindi namana sa kanyang mga ninuno. Naging guro ni Balagtas sa Colegio de San Jose, si Padre Mariano Pilapil na isang bantog na Latin scholar at sumulat ng Pasyon. Nag-aral din siya sa Kolehiyo de San Juan de Letran.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Sinasabing si Balagtas, bagamat isang dakilang makata, ay nabigo sa buhay at pag-ibig sapagkat nakalasap ng kabiguan sa pagmamahal. Ngunit, ang mga pagkabigong ito ni Balagtas ang naghatid naman sa kanya bilang isang nagliliwanag na tala ng Panitikang Pilipino. Dakilang makatang imortal ang pangalan sa kanyang mga sinulat, lalo na ang klasikong awit na ā€œFlorante at Lauraā€ na pinag-aaralan sa lahat ng paaralan sa iniibig nating Pilipinas. Ang Florante at Laura ay naihanay sa mga akdang pampanitikang sinulat ng mga kilalang manunulat at makata sa ibang bansa. Itinuring ito bilang tanging akdang Pilipino na karapatdapat basahin.

Ang ā€œFlorante at Lauraā€ ni Balagtas ay isa sa mga aklat na dinala ni Dr. Jose Rizal sa kanyang paglalakbay sa Europa. Walang walang sawa niya itong binasa at dito niya hinalaw ang banghay (plot) ng kanyang ā€œNoli Me Tangereā€, isang nobelang panlipunan. Taglay ng Floranate at Laura ang mga napapanahong mensahe at kaisipan. Muli sa pagpapalaki sa anak hanggang sa paglilingkod sa bayan. Si Balagtas ay nasa pinakamatayog na taluktok ng Panitikang Pilipino. Hindi lamang sa kanyang sariling kapanahunan kundi sa lahat ng panahon ng Panitikang Pilipino na nasulat sa alinmang wikang katutubo sa Pilipinas. (Clemen Bautista)