Naniniwala si Bayan Muna Party-list Rep. Neri Colmenares na dapat ay noon pa pinahintulutan ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na maitampok sa exhibit ang mga mamahaling koleksiyon ng alahas ng mga Marcos upang mabatid ng kabataan ang katotohanan sa mga pang-aabuso sa panahon ng diktaduryang Marcos.

“The PCGG exhibit of the Marcos jewelry collection should have been done decades ago and should have been part of school field trips so that the youth could have learned the truth about Marcos’abuses early on,” pahayag ng Makabayan senatorial candidate, na kumakandidato sa ilalim ng Partido Galing at Puso nina Senators Grace Poe at Chiz Escudero.

Ito ang naging pahayag ni Colmenares makaraang magpaskil ang PCGG sa Facebook at Twitter accounts nito ng mga litrato ng mga alahas mula sa Hawaii collection ni dating Unang Ginang Imelda Marcos.

Sinasabing dinala ng pamilya Marcos nang magtungo sa Hawaii sa huling bahagi ng EDSA People Power Revolution noong 1986, kasama rin sa koleksiyon ang 60 alahas na sinasabing tinangkang ipuslit ng negosyanteng Greek na si Demetriou Roumeliotes pagkatapos ng makasaysayang rebolusyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

May titulong “Virtual Jewelry Exhibit, A Story of Excesses: What Could Have Fueled A Nation’s Development”, layunin ng social media initiative na maipabatid sa kabataan kung anu-ano ang mga proyektong maaaring mapondohan sa napakalalaking halaga ng mga koleksiyon ng alahas.

“A matching set of antique diamond, sapphire and ruby bracelet, pendant and earrings mounted in silver and gold.

Circa 1860, this item bears French marks. It is worth the full immunization of 20,000 children plus 17,600 pneumococcal vaccines to senior citizens and infants,” caption ng isang set ng mamahaling alahas na makikita sa Facebook page ng PCGG. (Beth Camia)