Lalong tumibay ang kasong graft at malversation ni dating Philippine National Police (PNP) chief Director General Avelino Razon at ng iba pang opisyal ng PNP matapos pagtibayin ng Commission on Audit (CoA) ang mga notice of disallowance para sa P397.59 milyon ginastos sa rehabilitasyon at pagbili ng piyesa ng V-150 light armored vehicles ng pambansang pulisya noong 2007.

Sa desisyon na inilabas nitong Miyerkules, ibinasura ng CoA Commission Proper ang motion for reconsideration na inihain ng grupo ni Razon kaugnay ng notice of allowance na unang inilabas ng ahensiya na nagpapatibay ng kaso laban sa kanila.

Nilagdaan nina CoA Chairman Michael G. Aguinaldo at Commissioner Jose A. Fabia ang desisyon na nagdeklara sa notice of allowance na inilabas noong Oktubre 18, 2012 bilang “final and executory”.

Bukod kay Razon, kabilang sa mga kinasuhan sina Director Geary Barias, Director Teodorico Lapuz IV, at 24 na iba pang retirado at aktibong pulis, at pribadong indibiduwal.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hindi na pinayagan ng CoA na ipagpatuloy ang pagbabayad ng P397.59 milyon para sa rehabilitasyon at pagbili ng spare parts ng mga V-15 armored fighting vehicle.

Pinagtibay ng desisyon ng CoA ang resulta ng imbestigasyon ng joint panel at Ombudsman fraud investigators na nakatuklas na ang mga dokumentong isinumite para sa naturang kontrata ay peke. (Ben Rosario)