ITO ang pagkakataon ng mga nais mamuhay ala-Brooke Shields. Ang aktres at modelo, na napapadalas ang pananatili sa New York City nitong mga nagdaang araw, ay pinauupahan ang kanyang napakagandang tahanan sa L.A.’s Pacific Palisades, ayon sa kanyang real estate website na Zillow.

Sa halagang $35,000 kada buwan —mahigit $1,000 kada araw — ang uupa ay malilibang sa 5,345-square-foot home na may limang kuwarto, lima at kalahating palikuran, at may fireplace at library. Mayroon ding TV room at sariling kitchenette, kaya maaaring manood ng Suddenly Susan at Hannah Montana ang magiging tenant.

Mula sa naglalakihang sahig sa iba’t ibang palapag ay makikita ang napakagandang tanawin. At katulad ng bahay ng ibang artista, ang bahay ni Brooke Shields, 50, ay ipinundar nila ng kanyang asawa na si Chris Henchy, at tinitirhan nila ng kanilang mga anak na sina Rowan at Grier.
Tsika at Intriga

Janice, tikom ang bibig sa isyu nina John at Priscilla