Pres. Cory, PNoy, Josh, Bimby at Kris copy

TAWA kami nang tawa sa una naming nabasa nang buksan namin ang Facebook page namin kahapon. Malalaman kasi sa sinabi ni James Carlos Aquino Yap, Jr. o mas kilala bilang bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby na manang-mana ang bagets sa walang prenong bibig ng kanyang mama lalo na noong bata pa o growing up din ito.

Sabi ni Bimb, “Wow, Tito Noy had a lot of hair before.”

Reaksiyon ito ni Bimby sa litratong naka-post sa Facebook account ng ilang kaibigan ni Kris na nai-share sa kanya.

Human-Interest

Vice Ganda, inalis kaniyang wig para sa 'EXpecially For You' contestant na may alopecia

Ang nasa litratong naka-post ay si President Cory Aquino kasama ang batang si PNoy na tila kaedad ni Bimby nang kunan at talagang maski saang anggulo tingnan ay parang pinagbiyak na bunga ang magtito.

Isa rin kami sa nag-repost ng litrato na naka-tag kay Bossing DMB at nabanggit niya ito kay Krissy na nagbabakasyon ngayon sa Hawaii.

Nag-comment ang Queen of All Media sa timeline namin ng, “Patulog na ko was also sent (picture) by Louie (Andrada).

Healthy BP 120/78.”

Kaya kahapon ng umaga, nag-post si Kris sa kanyang FB account ng litrato ng Mama Cory niya at ni PNoy at litrato nilang mag-iina na ganito ang caption: “Several friends had my mom’s picture with a young PNoy in their Facebook feeds -- the caption was ‘Pres. Cory Aquino with Bimby?’ It’s surreal to see how much Bimb looks like his Tito Noy, Bimb even said ‘wow, Tito Noy had a lot of hair before.” Happy last day of March to all of you back home, it’s just March 30 sunset here.”

Samantala, naubusan na siguro ng supplies sina Kris kaya pumunta sila sa warehouse para mamili at dahil maraming Filipino sa Hawaii, nakilala sila at humingi ng group picture na pinagbigyan naman ng TV host/actress.

Ipinost ni Kris ang kanilang kuha at nilagyan ng caption na: “My mom would always remind me to be grateful whenever people asked to have a picture taken, because it was a sign of appreciation.

“We went to a warehouse club today, our first time… I’ll admit, I was feeling a bit low these past few days realizing that they’re airing KrisTV replays while preparing the new show to replace me in a couple of weeks...

There were nonstop selfies & I think my mom just wanted to remind me how blessed I’ve been to have touched so many lives & moving on isn’t really something to fear but something to look forward to. And that’s because looking back at my 20 years on TV, you gave me so much of your time, attention & affection.” (REGGEE BONOAN)