Bibisita sa Pilipinas si Sovereign Prince of Monaco, His Highness Albert II, mula Abril 6 hanggang 7 sa imbitasyon ni Pangulong Benigno S. Aquino III.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr., na makikibahagi si HSH Prince Albert II sa wreath-laying ceremony sa Rizal Park bago didiretso sa Malacañang Palace para sa bilateral talks nila ni Pangulong Aquino sa Abril 7.

“The two leaders and their respective delegations are expected to discuss bilateral issues of common interest such as economic cooperation, humanitarian assistance, sustainable development and environmental protection, among others,” pahayag ni Coloma.

Maghahanda si Pangulong Aquino ng tanghalian bilang parangal sa nagbibisitang monarch.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bibisita rin si HSH Prince Albert II, kilalang advocate ng pagpapalakas sa marine environmental protection, sa Palawan at sa Tubbataha Reefs National Park, isang UNESCO World Heritage Site. (PNA)