Ipinanunukala ni Rep. Jose L. Atienza, Jr. (Party-list, BUHAY) na obligahin ang lahat ng eroplano na magpatugtog ng awiting Pilipino sa kanilang paglapag sa mga paliparan ng bansa.

Sa pagsusulong sa House Bill 5998, binanggit ni Atienza ang Hawaii, Indonesia, Malaysia at Thailand na pinatutugtog ang kanilang mga katutubong awitin na nagpapakilala ng kanilang sining at kultura.

Layunin ng panukala na higit na maisulong ang turismo sa bansa sa pagpapatugtog ng mga awiting Pinoy sa lahat ng pampublikong lugar, tourist bus at business establishments gaya ng mga hotel. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji