Hiniling ni Sen. Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan Fifth Division na payagan itong makadalo sa proclamation rally ng kanyang anak na kandidato sa pagka-bise alkalde ng San Juan City, sa Sabado.

“It is for this paternal duty and obligation that accused-movant is seeking the Court’s approval that he be allowed to attend the proclamation rally of his daughter,” nakasaad sa mosyon na inihain ng mga abogado ni Estrada sa korte.

Humirit ang kampo ni Estrada na mapagkalooban siya ng korte ng three-hour furlough sa Sabado upang makadalo sa proclamation rally ng kanyang anak na si Janella, sa Pinaglabanan Shrine.

“It is of no question that for a father—the path of his daughter’s civil service road is one that needs to be seen, watched, guided, and assisted by the father,” dagdag ng mga abogado ni Estrada.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kasalukuyang nakadetine si Estrada sa Philippine National Police (PNP)-Custodial Center sa Camp Crame habang nahaharap sa kasong plunder at graft dahil sa umano’y paglulustay sa P183-milyong pork barrel fund na idinaan sa mga pekeng non-government organization na itinayo ng negosyanteng si Janet Lim Napoles.

Itinakda ng Second Division sa Hunyo 13 ang pre-trial ng mga graft case laban kay Estrada. (Jeffrey G. Damicog)