sushi copy

Ang pagkain ng tradisyunal na Japanese food ay makatutulong sa pagpapahaba ng buhay, ayon sa bagong pag-aaral.

Ang mga bata sa Japan na sumusunod sa government-recommended dietary guidelines ng nasabing bansa ay may 15 porsiyentong mas mababa ang posibilidad na mamatay sa susunod na 15 taon, kumpara sa mga taong hindi sumusunod sa guidelines, ayon sa nasabing pag-aaral.

At ang mga taong sumusunod sa dietary guidelines ay 22 porsiyentong mas mababa ang posibilidad ng kamatayan dahil sa strokes, ayon pa rin sa bagong pag-aaral, inilathala noong Marso 22 sa The BMJ.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Isa ang Japan sa pinakamataas ang life expectancy sa mundo, pahayag ng mga researcher, sa pangunguna ni Kayo Kurotani, senior researcher sa National Center for Global Health and Medicine sa Tokyo. Ang gampanin ng Japanese diet — kabilang na ang pagkain ng isda at soybean products, at hindi pagkain ng matatabang pagkain — ang pinakagustong mapag-aralan ng mga researcher kaugnay sa life expectancy, ayon sa mga author. 

Ang dietary guidelines ng Japan, na may titulong “Japanese Food Guide Spinning Top,” ay nagpapakita ng limang uri ng pagkain: gulay, isda at karne, gatas, at prutas, ayon sa pag-aaral. Nakapaloob sa inverted pyramid ang guidelines.

Kasama sa pag-aaral ang datos mula sa mahigit 36,000 kalalakihan at 42,000 kababaihan mula sa iba’t ibang lugar sa Japan. Sinagot nila ang lahat ng katanungan tungkol sa kanilang kalusugan, kabilang na angs impormasyon sa kanilang mga kinakain.

Sa naging resulta ng kanilang mga sagot, nakalkula ng mga researcher kung gaano kahigpit ang mga partisipante sa pagsunod sa dietary guidelines, ayon sa pag-aaral. Ang mga sumunod sa guidelines ay mas mababa ng 15-percent ng posibilidad na mamatay, kumpara sa mga hindi sumunod sa guidelines

Ang mababang posibilidad sa pagkamatay ng mga taong sumunod sa guidelines ay dahil sa mababang tsansa na magkaroon sila ng cardiovascular disease, at partikular, sa stroke, ayon sa mga researcher. Ang mga taong kumakain ng maraming gulay at prutas, at kumakain ng isda ay mas mahaba ang buhay, ayon sa mga researcher.

Ipinaalala ng mga researcher na ang isda at karne ay kinokonsidera sa iisang kategorya, ang mga Japanese ay mahilig kumain ng isda at hindi gaanong kumakain ng karne ng baka at baboy, kumpara sa Western countries.

“Our findings, together with previous reports, suggest that a dietary pattern of high intake of vegetables and fruits, and adequate intake of fish and meat, can significantly decrease the risk of mortality from cardiovascular disease in East Asian populations, particularly from [stroke],” pahayag ng mga researcher. (Live. Science.Com)