ASINGAN, Pangasinan – Pormal na inendorso ni dating Senador Leticia Ramos-Shahani ang kandidatura nina Senator Grace Poe at Francis “Chiz “ Escudero sa May 9 elections dahil, aniya, ito ang pinakamainam na tambalan na dapat mamuno sa bansa.

Sa pangangampanya ng tambalang Poe-Escudero sa bayan na ito, inendorso rin ng anak ni Shahani na si dating Congressman Ranjit Shahani ang dalawang kandidato ng Partido Galing at Puso.

Bagamat kamag-anak nila si vice presidential candidate Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., iginiit ng mag-inang Shahani na wala silang balak suportahan ang kandidatura nito.

“There is no solid vote North, I beg your pardon. I am an Ilocano and Marcos was my second cousin—Ferdinand Marcos is my second cousin, but it does not mean that automatically, we’ll vote Marcos,” pahayag ng dating senadora sa media.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Umaasa ang dating mambabatas na hindi iboboto ng mga kapwa niya Ilocano si Bongbong upang hindi na manumbalik ang madilim na panahon ng batas militar.

“We have other priorities and I think an experience under Martial Law was not good and I hope it does not come back again. And I’m sure many Ilocanos share that hope and wish that we will have no Martial Law, and that no other Ilocano will declare it again over our country,” ayon kay Ginang Shahani.

Bilang isang babaeng lider, naniniwala si Ramos-Shahani ng maisusulong ni Poe ang Pilipinas.

Samantala, ginarantiya rin ng mga Shahani ang kapabilidad ni Escudero na kanilang inilarawan bilang “nakapatalinong tao.”

“I knew his father, Sonny Escudero quite well. He was chairman of the Committee on Agriculture in the House, and I was chairman of the Committee on Agriculture in the Senate. So I had a lot of interaction with Chiz’s father,” giit ni Ginang Shahani. (CHARISSA M. LUCI)