Narito ang ilang solusyon sa lumalaylay na balat. Maaari itong gawin kahit nasa loob lamang ng bahay at hindi gumagastos ng malaki o sumasailalim sa operasyon. Kinakailangan lamang ang mga sumusunod:
1. Egg white
Ang egg white ay natural astringent at isa ito sa mga sangkap na maaaring maging solusyon sa lumalaylay na balat.
Ang skin-nourishing ingredient nito na hydro lipids ay makatutulong para maging firm ang inyong balat.
Magbate ng isa o dalawang itlog. Ipahid ito sa mukha at sa leeg at huwag tanggalin hanggang sa 20 minuto at maghilamos ng malamig na tubig.
2. Lemon
Ang vitamin C ng lemon ay makatutulong sa pagpapadami ng collagen. Maibabalik nito ang elasticity ng inyong balat.
Hiwain lamang ang lemon at gumawa ng lemon juice at ihilamos ito sa mukha at sa leeg. Hayaang matuyo o huwag magpunas sa loob ng 10 minuto, at mahilamos ng mukha. Gawin ito ng tatlong beses sa isang araw at pahiran ng moisturizer ang mukha pagkatapos.
3. Aloe vera
Epektibo ang Aloe Vera sa pagpapaganda at pagpapalambot ng balat. Ang malic acid ng aloe vera gel ay makatutulong sa elasticity ng balat at para manatili itong firm.
Ihiwalay ang gel mula sa aloe vera leaf at ikalat ito sa inyong mukha at leeg. Huwag tanggalin sa loob ng 15 hanggang 20 minuto at hilamusan ng maligamgam na tubig.
4. Cucumber
Upang lalong gumanda at mapigilan ang paglaylay ng balat, maaari ring gumamit ng cucumber. Ito ang isa sa mga epektibong natural skin toners at makatutulong para mapanatiling bata ang balat.
Maghiwa lamang ng cucumber at pigain ito gamit ang strainer at ihiwalay ang katas. Ipahid ang katas nito sa mukha at leeg at huwag tanggalin hanggang sa matuyo. Kapag natuyo na, mahilamos ng malamig na tubig. Gawin ito ng isang beses sa isang araw.
5. Oil massage
Ang pagmasahe sa mukha at leeg gamit ang natural oil, katulad ng olive oil, ay nakatutulong sa pagpapalambot ng balat. May antioxidants ang olive oil katulad ng vitamins A at E na pumipigil sa pagtanda ng balat. Nakatutulong din ito upang hindi matuyo ang balat.
Una, initin nang bahagya ang extra-virgin olive oil sa microwave. Ihilamos ito at imasahe sa mukha gamit ang mga daliri sa loob ng 10 minuto. Gawin ito bago matulog.
6. Honey
Ang honey ay may natural hydrating, antioxidant at anti aging properties na nakatutulong upang hindi lumaylay ang balat.
Paghaluin ang dalawa hanggang tatlong kutsara ng honey at ilang patak ng lemon juice at olive oil. Ilagay ito sa mukha at leeg, hayaang matuyo at hilamusan ng maligamgam na tubig. Gawin ito ng isa hanggang dalawang beses sa isang araw.
Maaari ring paghaluin ang isa’t kalahating kutsara ng honey at sour cream. At ihalo ito sa isa’t kalahating kutsara ng turmeric powder. Ilagay sa mukha sa loob ng 15 minuto. Maghilamos ng maligamgam na tubig at haluan ng kaunting malamig na tubig. Gawin ito ng isang beses sa isang linggo. (Yahoo News/Health)